Banner Maker
BannerBreak.com - Banner Maker - Banners - MySpace Layouts



Sunday, February 07, 2010
pebrero

love month

pumasok na ang buwan ng pebrero. iisa lang ang ibig sabihin nun tatanda na naman ako. ang bilis ng isang taon wala akong kamalay malay. malalaman ko na lang isang taon na ako dito sa doha. parang kelan lang pinaplano pa lang namin ni eds ang aking dora theme party ( na walang nag-akala not even me) na last birthday ko na pala sa nec yun. bilis super. so far so good. everything is doing well at naaayon sa plano. gone are those days of loneliness. teka hindi naman ata ako na homesick. medyo inaatake lang ako at nag-iinarte kapag naaalala ko ang 2
kong bulilit. nakakatuwang isipin na naka adjust na rin sila sa pagkawala ko. although sabi ni edwin, bee is always asking kung kelan daw sila susunod sa kin dito at kapag matutulog na sila sabihin daw ni bee eh dad aalis na ba tayo ngayong gabi? kanina kausap ko sya kwento sya ng kwento ng mga activities nya sa school. chicken daw ang kinain nya sa canteen saka daw palamig ung melon na may parang pansit. natawa naman ako bigla. sa skul na daw sya nagllalunch kasabay ng mga classmate nya. hay bee ko. miss na kita sobra. si ikki naman 5pm pa daw uwi
dahil magpractice pa ng sayaw. at marunong ng sumayaw ang dalaga ko waaaaaa.

love month. valentines day in short. hay ayoko ngang isipin dahil malulngkot lang ako dahil hindi ko kapiling ang aking minamahal. kakalungkot pero gaya ng ibig kong sabihin ayokong malungkot at ayokong mag-isip ng kung ano na lalo lang magpapahina ng loob ko dito sa lupain ng mga qatari. mag 9 months na ako. ganun ba kabilis lumakad ang panahon? ngayon ako naniniwala na mabilis nga. hindi ko napapansin ang bawat araw. bawat araw na patuloy na dumadating at umaalis sa aking buhay.

isang pagbati sa yo gracee sa iyong kaarawan sa araw na ito. hangad ko ang patuloy mong kaligayahan.

Posted at Sunday, February 07, 2010 by nursefam
share your thoughts  




Sunday, January 31, 2010
camera

new cam

i bought a new olympus digicam FE series, 12 mxpl, 5x optical zoom, 2'7 lcd, with free 2 GB a case a battery charger and a watch. and its on sale hehehe. i tried to look for the pink color kase yun ung nasa ads nila pero ubos na daw. i bought the black one. and its really good ha. at least hindi na ako tatawanan ni eds with my old cam wahahahha. in fairness maganda naman un. dinala namin un sa paglalagalag sa UPLB, sa aming mga kasiyahan at kung anek anek. ang problema nga lang low tech pag gabi na hindi mo na makita kung sino ang pipicturan mo hehehe. sabi ni RP ayan magkukuha ka ng picture. naaalala ko tuloy mula noon pa trip ko ng magkukuha ng picture. si tatay ay merong camera na pang outdoor at meron syang pentaz. sori naman noong unang panahon nung bata pa kami heheh madaming film lagi ang camera ni tatay 36 shots, 24 or 12 shots. tipid na tipid dahil mauubos na. ipapadevelop mo pa un sa maring's bazar sa san pablo hahahaha. gone are those days. papapose ko si rp. si pepe lagi ang aking subject, bibihisan ko sya ng damit ng tatay with matching helmet pa, attache case, black shoes, socks watch and picture. then susuutan ko sya ng duster ni nanay hahaha at voila picture again. anyway here are the pics taken from my new cam.

Posted at Sunday, January 31, 2010 by nursefam
share your thoughts  




Monday, January 25, 2010
whatever

inis ako whatever

minsan dumadating sa buhay ng tao na naiinis ka kahit alam mo namang walang nakakainis. ayokong sumimangot ayokong maasar, ayokong kumunot ang noo at ayokong pagkaabalahan ang isang bagay na alam kong ako lang din ang maaapektuhan. madaming pressure ang dumadating sa buhay. pressure sa kung ano anong bagay. pressure sa mga bagay na kahit alam na tama pero isisiksik pa din ng utak mo na un ang gawin. ayokong pa apekto una na papanget lang ako. pangalawa nakakapagpatanda ang pressure. pangatlo wala itong maiidulot na mabuti sa aking kalusugan, pang apat ayokong mag-aksaya at gamitin ang aking brain cells sa mga walang kwentang bagay. kaya kahit gaano katindi ang dumating heto ako laging positive ang outlook sa buhay. laging looking at the brighter side of life ika nga. laging optimistic. malaki ang naiitulong nito. madami akong nakakausap na tao na walang alam sa kanilang sarili kundi mag reklamo at hindi makahanap ng kakuntentuhan if its the right term. nakakainis dahil sa halip na ma uplift ka lalong pakiramdam mo down na down ka and i hate those idiot. oo minsan kelangan magreklamo pero hindi naman araw araw ng ginawa mo eh wala kang nasa isip kundi magreklamo sa buhay, wala nito, wala nun, mainit dito, mahirap, masakit, mahaba, maiksi, makapal, manipis, maulan. etc. sala sa init sala sa lamig. mahirap pakibagayan ang ganung tao ah. hindi mo alam kung paano mo titimplahan.
hindi mo mawari kung ibig ba nitong maalat, matamis, matabang o katamtaman lang. mahirap pakisamahan ang taong sa halip na itataas ka bagkus hihilahin kang pababa. ito ang nakakainis sa lahat ng nakakainis. pangkaraniwan ng scenario sa mga pinoy un. sabi nga mas mabuti pang ibang lahi.

naiinis ako dhil minsan kelangan mong magpakatanga at magsawalang kibo sa tunay na nararamdaman mo. mahirap pakiramdaman na inis na inis ka na pero wala kang magawa dahil ito ang nasasaad. dahil ito ang hinhingi ng pagkakataon. wala kang magagawa kundi tanggapin ang katotohanan na iyon ang naka tadhana sa yo. na hindi ibibigay s ayo un kung alam Nya na hindi mo kakayanin. madaming problema sa mundo. maswerte ako dahil mula noon nakakayanan ko lahat, nagagawan ko ng solusyon ang anumang problema.

Posted at Monday, January 25, 2010 by nursefam
share your thoughts  




Tuesday, January 19, 2010
what's new

update

havent updated lately. been busy with so many damn things. hmm ewan  ko sobra na ata akong busy-- sa pagsasaka hehe. kinarir ko na ang pagiging farmer. eh panu naman sayang ang mga nasimulan kong tanim. nitong mga nakaraang araw tinatamad ako. parang sabik na sabik ako sa tulog. parang pagod na pagod ako sa 8 oras na pagttrabaho sa lupain ng mga qatari. ok lang ako. naka adjust na sa work. alam ko na ang lahat. gamay ko na ang bawat kilos at galaw ng tatay ko.alam ko na ang gagawin ko sa bawat utos nya. hmmm. nakakapagod minsan
pero alam ko na natuto na ako sa lahat. ano bang mga bagong updates ko sa ngayon. hmmmm.. una sa lahat malapit na ang aking kaarawan at ngayon pa lamang wala pa akong maisip kung saan at paano ko iccelebrate na naman ang mahalagang araw ng aking buhay. pangalawa, dumating na si girlie sa qatar. welcome to doha girl and goodluck sa bagong mundo. lagi kong sinasabi sa kanya na konting tiis lang at makakayanan nya lahat. ikatlo, mukhang wala ng lamig. ang iksi naman ng winter kuno. parang nakiraan lang. kala ko pa naman giginawin ako ng todo todo hmp hindi naman pala. buti na lang hindi ako masyadong bumili ng mga jacket. kundi katakot takot na pagsisisi ang inabot ko.

im still missing my bee. napaiyak ako kanina ng binabasa ko ang sms nya. alam mo yung tuwa ko na makabasa ng text mula sa kanya to think na hindi pa talaga sya marunong magbasa ng umalis ako sa pinas nung may. he was still taking his KUMON malaking naitulong nito sa kanya. kaya kahit medyo mahal sabi ko sige para rin naman sa kanya yun. saka di mapapantayan ang tuwa ko everytime na makakabasa ako ng sulat mula sa kanya. hay enough. ayokong isipin sila. that is the best way to cope loneliness. kung hindi ko siguro ginawa un hindi ako makakasurvive ng ganitong katagal dito sa doha. funny. akala ko mamamatay ako sa lungkot. salamat sa Diyos at nalampasan ko ang lahat. sabi nga nila ang homesick talaga ang papatay sa yo pag nasa ibang bansa ka at tama nga sila.

ngayon pa lang excited na ako. eh pano naman july ang plano kong umuwi. hmmm. after kong magrenew ng pataka ko by june 30 uuwi ako. 21 days lang pero pwede na yun kesa naman hindi ako umuwi. so more or less 2nd week ng july ang bakasyon grande ko sa pinas. hay excited na ako. sabi nga pala ni bee pag umuwi daw ako araw araw ko daw syang ihahatid sa skul hahaha. cant wait..

mahaba na ang buhok ko. gusto kong magpagupit pero inisip ko sayang naman ang 50 QR ko hehehe 600 na un. samantalang sa pinas magkano lang. maghihintay na lang ako ng hulyo. kaliwali. hehehe.

tatay will be off to dubai . ibig sabihin bakasyon grande na naman ang kagandahan ko. di ko lang alam bka naman c wak ang nandito hayy.madaming bagay ang pumapasok sa utak ko these past days re my stat. hay. minsan kelangan
mo talagang makisama sa nakakarami. pero paano naman kung sobra na. hmm hindi ko maimagine na magagawa ko ung mga bagay na di ko dati ginagawa. pero sabi nga ni ghe tiis tiis lang ate fam, ganyan talaga kelangan nating kumayod para sa kanila. buti na lang din walang wakwak ngayon si tatay  kung magwak naman sya sobra na sya. anu pa bang gusto nya san naman sya makakakita ng katulad namin. well sabi ko nga makakayanan ko lahat bastat walang sinasabi. mahirap kase ung pagod na ang katawan mo . pero mas pagod ang kalooban mo. siguro naman tama
na ang 7 buwan . siguro naman sa loob ng panahong un alam na nya ang kakayahan ko .. hindi ba?

dvd marathon ang drama ko. pinanuod ko lahat these past days ang WHAT HAPPENS IN VEGAS, AUGUST RUSH, ACCIDENTAL HUSBAND, MY MOM'S NEW BF at ANUTUM IN NY. hayyy till next time.

ciao !

Posted at Tuesday, January 19, 2010 by nursefam
share your thoughts  

kodak

latest pics

Posted at Tuesday, January 19, 2010 by nursefam
share your thoughts  




Monday, January 11, 2010
doha book fair

20th Doha Int'l Book Fair

i had the chance to visit the doha convention center for the 20th doha intl book fair. for all book lovers like me ehem it was really a must to see. there are lots of books. mostly in arabic obvious naman siguro why. di ko maintindihan kung san ako titingin. super dami ng books. and feeling ko kami lang ang pinoy na naligaw sa lugar na un. or maybe becoz last day na kaya madami ng tao. i hardly see english books. there are some paulo coelhos books but it ranges from 40 QR to 60 QR which is mahal heheh. 255 php lang sa pinas. sabagay mamasahe pa ako hahahha. ive seen all paulo books there including valkyries, 11 mins, the devil and ms prym, 5th mountain, the manual at syempre ung like flowing rivers. books from france, lebanon, gulf areas, usa, are there. nakakatuwa. but majority of them were childrens books and stuffs. coloring books, bedtime stories, at lahat ng sa
bata.

grace bought a cooking book wow. wish ko lang sana na may interest akong magluto. we had some free stuffs from qatar guest center ( promoting islamic faith ). and mind u some books are written in tagalog. and its free. i had a chance to get 3 books about islam faith. hmmm mabasa nga daw ng magka idea naman ako ng kanilang saloobin. have some brochures also fr the US EMbassy about how to study in the US of A. i got there sidney sheldon's "nothing lasts forever " book in 20 QR. it was such a nice evening. ganun naman talaga ang feeling ko whenever i entered any bookstore. sa pinas nga hinahayaan na lang nila ako sa book store dahil alam nila tingin lang ako ng tingin ng iba't ibang klas ng books.

after these me, kuya ahmad, grace and ghe went to have a coffee sa dunkin donuts. and had those picture taking. i really enjoyed the night. we had a chance also to eat cheese kubus. hay looking forward for the next book fair san naman kaya hehe.

for the picture click this

Posted at Monday, January 11, 2010 by nursefam
share your thoughts  




Monday, January 04, 2010
thank you 2009

thank you 2009

2009 has been a good year to me. so many things happened na hindi ko naman inasahan, last year, wala akong idea na lilisanin ko ang aking bayang magiliw. wala sa hinagap ko na iiwan ko ang aking mag-aama at makikipagsapalaran sa ibang bansa. mahirap pero kinaya ko. at heto nga pagkaraan ng halos 7 buwan na pagkawalay sa kanila nandun pa din ang lungkot pero kinaya ko.

salamat 2009. dito ko naranasan ang malungkot ng sobra sobra at umiyak ng isang baldeng luha. pero un ang nagpatibay sa kin. ang mga luhang un ang nagbigay sa kin ng lakas ng loob para makayanan ko ang mga dumadating na pagsubok sa akin sa lupain ng mga qatari. madami ako talagang dapat ipagpasalamat. kinailangan kong gawin at kailangang magsakripisyo.

salamat 2009. dito bumalik ang aking faith. faith that makes me strong. i am strugling for my faith for the past years, pero niloob pa rin Nya na ibalik ang sa akin. dito ko pala sa doha makikita ang nawala sa akin. dito ko pala mababalik ang bagay na ilang toang nawala sa akin. salamat salamat salamat.

salamat 2009 for makin edwin, erika and edward healthy. un lang naman ang tanging dasal ko ang sila ay manatiling malusog. and most of all thank you 2009 for making me a better person .

2009 will always be here in my heart. u will always be remembered. looking forward for a wonderful 2010

Posted at Monday, January 04, 2010 by nursefam
share your thoughts  




Monday, December 28, 2009
doha xmas

first xmas in doha

my first christmas in doha is quite happy. di ko naman masabing masaya, di ko din masabing malungkot. pero we did our best to enjoy the night. dr went to beirut that day so wala kaming kasama sa clinic. wednesday eve i started to cook na my macaroni salad and my fruit salad. come thursday, we hurried pa to villagio to buy the last minute things that we n ed for the party. dr khayat shared a beef of which kuya ahmad cooked. dr. ziad's shares 5 chicken, dr marc had a l those pepsis and juices and of course dr. dhafar the choco cake. raffy and shara cooked buttered shrimps and spring rolls. ghe and gracee shares pancit and graham, weng has spaghetti.it was truly a night full of foods, hindi kami magkandaubos sa dami ng pagkain. kahit isang brgy siguro pwdeng kumain sa handa namin. we celebrate it in clinics accomodation since malaki ang space.

it was truly a memorable one. during those times ang tagal kong kausap ang mga bata. that evening, i tried to go online and call them pero ayaw talagang maka konek. it seems that nagkatraffic even sa connection. QTEL which is qatar's telecom had their offer of 0.55 dirhams/minute call anywhere in the world. it was truly an amazing offer. isipin mo namang ung 10 riyals is 18 minutes na dati eh 3 minutes lang. kaya telebabad to the max ako. up to january 15 pa kaya sulitin ko na. vodafone offers 0.45/min pero saglit lang ung offer na yun. plus nagkaron pa ako ng 40 minutes free international call. kaya buong pasko ang tagal kong kausap sina nanay at c edwin.

i had the chance also to call dr choi and dr tots. i tried to call dr zy and dr ai pero hindi ko naman macontact. wow i miss them a lot. miss ko na ang aming kalukahan. i miss those moments na umiiyak ako sa kanila and complaining bout blah blah and this and that. hayyyy.

i spend christmas with ghe and kuya ahmad again. we went to villagio and hyatt plaza and buy some stuffs. i bought a mango tops wow ang ganda ng 2 blouse. had to buy also some anik anik such as photo frame and some things. i end up the afternoon eating spag and watching "the eye". past 9pm na ata ako nakauwi sa clinic. lumipas na naman ang isang pasko ko ngayon sa lupain ng mga qatari.

Posted at Monday, December 28, 2009 by nursefam
share your thoughts  




Thursday, December 24, 2009
reasons

100 reasons to celebrate

last saturday is the 11th year wedding anniversary naming mag-asawa. ang bilis ng panahon. nakakalabing isa na nga pala. parang kelan lang. di ko maubos maisip na naka higit isang dekada na pala. hay... sad ako kung sad . sino ba namang hindi malulungkot. 1st time kong hindi kasama si edwin. ayokong mag-isip, ayokong isipin na magkalayo kami. malulungkot lang ako. lumipas ang araw na un na bale wala lang. lumipas ito na hindi ko nama malayan. mas mabuti nga yun. mas hindi nakakalungkot. mas at peace ako.

nung isang araw din (18th of dec) bday naman ni papa, ang butihin kong biyenan. tinawagan ko sya at tuwang tuwa naman c papa. papa is always been dear to me. mula noon pa, wala na akong masasabi sa kanya. sobrang tahimik. at syempre alam kong love ako pati ang mga anak ko. happy birthday papa, more birthdays to come.good health and all. salamat po sa walang sawang paggabay sa aking mag-aama.

and of course its my darling erika's 10th birthday on the 23rd. bilang isang ina sad ako at di ako makakasama ng aking dalaginding sa kanyang kaarawan. pero alam ko more than anybody else naiintindihan nya ang lahat.ang bilis ng panahon. 10 taon na c ikki. konting panahon na lang may dalaga na ako waaaaaaa. i remember those days na baby na baby pa sya. komo't iisa sya lang ang apple of the eyes ng buog pamilya. wala akong wish kundi good health. alam ko nasa isip nya lahat ng pangaral namin ng daddy nya. loveyou ikki dear.

and of course ang pasko. xmas will always be special to me. isa sa araw na hinihintay ko lagi mula pa noong bata ako. gusto ko ang pasko, madaming pagkain, masaya, lahat na. pero ngayong pasko mag-isa ako. kakayanin ko ito. alam ko. kapag pasko na ang pinag-uusapan madaming mga memories na pumapasok sa isip ko na ewan ko kung bakit hindi mabura bura. una na ung ginagawa naming pagtitipon tipon na magpipinsan sa harapan ng bahay ni impe. every 24 ng dec un. parang laging nakasiksik sa utak ko un. ikalawa ung pasko namin nina nanay sa ik-ung panahong sumakay kami ng bangka. madaming itlog, may apple. un ang feature ko. ikatlo ung san pablo days nmin nina nanay na tunay namang napakasaya at napakadaming pagkain sa mesa.

todo activities ang aking mga angels. kahapon nag ninang c ikki sa anak ni obeth. tuwang tuwa ako nung makita ko ang pics. then today nandun sila sa swimming sa pansol. nakakatuwa. ilang beses kong call si edwin to check the kids eh muka namang enjoy na enjoy ang dalaga ko. hayyy. napansin ko lang ang ilang pagbabago sa mga anak ko sa loob ng 7 buwan kong pagkawalay sa kanila. una..umitim lalo ata c ikki, hehe. sabi nya kanina "hindi naman masyado mom". lagi kong sinasabi sa knya na pinaglihi ko sya k grant hill hehehe. mukhang ang tangkad tangkad na ng dalaga ko. c bee naman lalong gumwapo. mas lumapad ang face. andun pa rin ung nice smile sa face ng aking gwapong edward. mas lalo ko silang namiss.

there are really a hundred ways to celebrate. patnubayan nawa ako ng Maykapal.

Posted at Thursday, December 24, 2009 by nursefam
share your thoughts  




Sunday, December 13, 2009
patak ng ulan

when it rain...it pours

ewan ko tuwang tuwa talaga ako kanina ng umulan ng sobrang lakas dito sa doha. para akong bata na sabik na sabik sa patak ng ulan. kung kahapon eh ambon lang. ngayon po ay sobrang lakas as in. mga kalahating oras lang pero pagkatapos naman nun animo'y binagyo ang aming kalsada dito sa gharraffa. wala kaseng drainage o kanal man lang dito sa qatar, kaya 30 mins na ulan, lubog na agad ang iyong paa sa baha. sabi nila senyales na daw ito ng paglamig. kapag umulan na kasunod na nito ang malamig na panahon. nung dumating ako dito sa qatar last
may, super init. hindi ko alam kung anong lakad ang gagawin ko. ayokong mag stay sa labas ng bahay dahil hindi ko kakayanin ang init ng araw. mabuti ba naman kung init lang ng araw, ung singaw mismo ng kalsada super init. halos langgas pawis ka na maglakad ka lang saglit. tumagal ito ng kung ilang months. pagpasok ng ramadan medyo mainit pa din ang panahon. nito na lang pumasok ang december talagang naramdaman ang simoy ng hangin na katulad ng sa pinas.

simoy pasko na. mahirap ng tumagal sa labas ng hindi ka naka jacket. gone are the days na kulang na lang eh magdala ako ng payong at pamaypay sa labas ng bahay. pero nakakahiya naman dahil feeling ko nga ako lang ang namamayong sa doha. masarap tingnan ang pagpatak ng ulan. parang sabik na sabik ang mga halaman, ang mga kakarampot na halaman dito sa aming hardin. iniisip ko nga na mabuti nga dito sa harapan ng aming klinika at merong munting berde ka na matatanaw. opo. may tanim na kalachuchi, bougainvilla, ung isang gumagapang sa
pader at ewan ko kung anong pangalan nung isang halaman. maliliit pa sila ng dumating ako dito sa qatar. pero pagkatapos ng eksaktong 7 buwan malalaki na sila.

isipin mo nga naman 7 buwan na ako sa doha. parang kelan lang. ang bilis ng panahon. maya maya lang eh mag-iisang taon na ako. super bilis na lumilipas ng araw. ayokong isipin na may naiwan ako sa pinas. ayokong isipin dahil malulungkot lang ako. laging masasayang memories ang aking iniisip. mga memories na binabalikan ko. pagkatapos kong isipin ang mga yun, nakakatulog na ako ng mahimbing. homesick daw ang pinakamabigat na kalaban ng mga nangingibang bayan. pero kung iisipin mo na hindi dapat magagawa at makakaya mo na hindi mahomesick. pinilit kong kalimutan ang lahat. masakit man pero pinilit ko silang wag isipin sa araw araw. kahit na dumadating ako minsan sa point na iiyak na lang ako sa sobrang miss ko sa kanila. pero ganun talaga ang buhay.

sa pagdaan ng mga araw, natutuwa ako dahil kahit paano naka adjust na ako. kahit paano patuloy kong nilalakad ang buhay doha ng normal. kahit malayo sa kanila. kahit malungkot. kahit mag-isa ako. kayang kaya ko ito. sabi ko nga hindi ako hahayaan NYA na mapadpad dito kung alam NYA na hindi ako mapapabuti. salamat AMA sa patuloy na pagabay mo sa akin. sa patuloy mong pagbibigay sa akin ng lakas ng loob at tibay ng kalooban. alam ko na may plano KA para sa akin. sa Yong kamay ko inilagay ang lahat. mula noon, hanggang ngayon at sa mga
susunod na araw, kasama KITA sa aking paglalakbay.

 

Posted at Sunday, December 13, 2009 by nursefam
share your thoughts  




Next Page



nursefam
February 11th
Female
Qatar


Friendster Background Music


   





<< February 2010 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05 06
07 08 09 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28






all <





Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed