 |
 |
 |
 |
 |
|
Thursday, September 10, 2009
ng makisama ang panahon
admit it or not minsan nakikisama ang mood mo sa panahon or ang panahon ang nakikisama sa mood mo. these past few days, sobrang panget ng weather dito sa doha at feeling ko naiirita ako palagi. humid. ang init sa labas. sobrang maalinsangan ika nga. hindi naman nararamdaman sa loob pero parang nakakainis sobraaa. ugali ko ng tumingala sa langit at masdan ang alapaap tuwing gabi. lagi kong isip ung sinabi ko kay bee na kapag sad ka look ka sa sky maaalala mo si mommy. dito gandang ganda ako sa kalawakan kase nga walang ulap kaya malinaw pa sa sikat ng araw ang kalawakan. tahimik. buwan lang at star ang nakikita mo. nung simula ng ramadan ang gandang tingnan ng moon. ramadan na ramadan ang itsura.
kaninag madaling araw lumabas ako saglit at napansin ko umaambon, hindi naman malakas pero tuwang tuwa ako 1st time ko makakita ng ambon sa qatar. ah sabi ko bukas hindi na humid at eto nga ngayon hindi na masyado maalinsangan.
tahimik na din ang mood ni tatay. hindi na tulad nung isang araw na puro utos. nag lie low na pagkatapos kong kausapin kagabi. ayokong pinagsasabihan ako sa harap ng patient. kaya sabi ko sa kanya, mas hindi ko alam ang gagawin ko. mas nagccram ako pag ganun at naintindihan naman nya, sabi pa nga nya ipasok ko sa kaliwa ilabas ko sa kanan. sabi ko un naman talaga ang ginagawa ko noon pa...
hay sana tuloy tuloy na ang ganda ng panahon para naman maganda din ang mood ng mga tao. inshallah !
Posted at Thursday, September 10, 2009 by nursefam
Wednesday, September 09, 2009
exhausted
yan ung status ko sa fb ko. eh panu feeling ko pagod na pagod ako sa work. mahirap ang ramadan. mas busy. mas toxic. ok lang naman ung trabaho ka ng trabaho. mahirap lang pakiramdaman ung nagttrabaho ka pero parang lagi kang pressure. i had the chance to talk with the dr kanina sinabi ko na hindi magandang mag work pag under pressure wala akong magawa parang nabobobo ako. iniexplain nya side nya at naintindihan ko naman. hay sige na nga forgive n forget na lang. pasok sa kaliwa labas sa kanang tenga. ganun ba ang gusto kong mangyari? well maybe..
hindi na naman ako nakakalabas this past few days. maalinsangan ang panahon. mainit sa labas parang hindi ako makahinga. mataas ang humidity. hindi ka makakatagal in short sa labas, nagbabago na ang klima. malapit na ang winter eh. wish ko lang dec na para malamig na ang paligid at ng malamig na din ang ulo ng lahat ng tao. hayyyy.
nung isang linggo nagpunta ako sa bahay nina ria at sa wakas nagkita din kami. nagkandaligaw ligaw nga ako sa kahahanap buti na lang at magaling si kuya ahmad maghanap kung hindi hala san kaya ako pupulutin. so happy to see them. eh panu sa loob ng ilang months now lang kami kita. kakatuwa.
10 days na lang birthday na ni edward ko yey.... may countdown talaga ako....

me with ria, wilson and wilzen
Posted at Wednesday, September 09, 2009 by nursefam
Monday, September 07, 2009
another day
2 more weeks and ramadan is finished. balik normal na naman ang buhay ko. sabagay mas maganda nga ito, hindi masyadong pagod kaso puyat naman to the max ang inaabot. mabuti sana kung may kapalitan. feeling ko talaga ako na lang ang tao sa clinic. well well well. baka naman feeling ko na ganun ako kagaling. waht do u think hehehe. kanina kausap ko mag-aama ko. tawa ako ng tawa kay biboy dahil ask nya kung kelan dadating ang package ko. sabi ko sa kanya baka pagka bday na nya. btw its edward's bday on the 18th. 7 taon na ang bunso ko. ang bilis ng araw. isipin mong nakaka 7 taon na pala ang gwapong edward ko. lalo ko tuloy syang na miss. sabi ko baka nalilimutan na nya face ko. hinding hindi daw. waaaa naiyak na naman me.
edward is so lambing. malambing din si ikki pero syempre mas close si bee sa kin. si ikki k edwin eh. kaya nung umalis ako pinas ang hirap pakiramdaman knowing na iiwan ko ang aking mga anak. mag 4 na buwan na. ang tagal na ano. parang kelan lang din. 8 months pa bago ako makauwi. after a year magvacation ako pinas. hay nakakatuwa naman. excited na ako. pero next year pasukan naman ang balik ko kaya parang ang hirap na namang iwan ang mga bulilit ko.
fasting na din ako. nahawa na sa mga muslim na kasamahan ko dito. pakiramdam ko hindi na din ako umiinom ng tubig sa isang buong araw. hehe. anyway pagkatapos ng ramadan makakagala na ulit.
bibili ako kanina ng battery ng cellphone ko, panu naman 5 mins lang lowbat na ata. hala pagtanong ko mas mahal pa sa phone, eh di bumili ako ng murang phone na hindi nalolobat 90 riyals not bad. pwede na. wahaha. pwede ng panghagis..
Posted at Monday, September 07, 2009 by nursefam
Thursday, September 03, 2009
new faces in town

maysu, me, dr dafar, dr khayat, dr xena
padami na ng padami ang aming kapamilya. kanina 2 ang nag start. one is MAYSU sudanese na receptionist. nagulat kami lahat dahil wala na si HALAH. mukha naman syang mabait pero syempre mahirap magtiwala sa itsura. nakakadala ika nga. another is DR.DAFAR. hay she look 45 pero 34 pa lang pala sya waaaa at nagulat sya ng malaman nya na mas matanda ako kesa sa kanya wahahahha. naka fake na naman ang aking kagandahan. lebanese din sya kalahi nina tatay kaya parang magkakasundo sila syempre pa sino pa naman.ibig sabihin labo labo na ang tao sa clinic. multi national. FILIPINO, LEBANESE, SUDANESE,IRAQi, PALESTINE hahaha pero hindi syempre magpapatalo ang Pinoy hmp ako pa. ibig sabihin nun mas madami ng mapapagalitan si dr hindi na lang ako yey !!! oo ng maramdaman naman nila kung paano toyoin ang tatay ko na hindi na ata kayang magtrabaho ng wala ako sa tabi nya. iniisip ko nga pano kaya kung isang araw hindi ako pumasok sa clinic. baka magunaw ang mundo ni tatay eh pano siento porsiento hindi na nya alam gagawin nya dahil ako lang ang nakakaalam ng kilos at galaw nya sa loob ng klinika.
i did my best..but i guess my best wastn good enough. yan ang kanta ko kapag tinotoyo si dr. minsan nakakasama din ng loob. alam mo naman sa sarili mo na ikaw ang pagod na pagod ikaw ang hirap na hirap. pero in the end hindi pa rin ma appreciate ang iyong mga ginawa. sabagay hindi na bago sa kin yan. sa pinas mas malala pa hehehe. at least dito well paid.kahit hindi ma appreciate ok lang malaki naman kita. eh sa pinas, hindi na nga naaapreciate ang ginagawa mo, mababa pa ang sahod. hirap pa sa bulsa, hirap pa sa kalooban. ang hirap nun ano. kahit magpakamatay ako hindi naman mapapansin lahat ng ginawa ko. salamat na lang dahil may mga taong patuloy na nagtiwala sa kin nung panahong halos sumabog na ang utak ko sa sama ng loob sa trabaho. pero kinaya kong lahat. sabi nga bakit ako magrereklamo. mahirap magreklamo dahil nakikinabang ka pa. pero lahat ng un kinalimutan ko na. mahirap magtanim ng sama ng loob. ikaw din ang babalikan.
namimiss ko na ang nec. nakakamiss din naman pala. sa loob ng 13 taon un ang bumuo ng buhay ko. sa kanyang mundo umikot ang mundo ko. madaming magagandang alaala na bahagi na ng aking buhay. pero sabi nga some good things never last. patuloy na panalangin na lang na sana ay patuloy na umunlad. madaming mga naging kaibigan na hanggang sa ngayon ay hindi nakakalimot at alam kong hindi ko na pwedeng kalimutan pa.
Posted at Thursday, September 03, 2009 by nursefam
Tuesday, September 01, 2009
sense and sensibility whatever
sometimes im beginning to wonder what is the purpose , the real purpose of my existense. hay sounds weird pero minsan tinatanong ko sa aking sarili ano nga kayang silbi ko sa buhay at sa mundong ito. dont mind me ganito lang siguro kapag wala kang makausap kung ano anong bagay ang pumapasok sa utak mo at kung ano anong kaweirdohan ang gusto mong itanong sa isip mo na alam mo naman na hindi mo kayang sagutin. hayyy.
today is the 10th day of ramadan. as expected tahimik ang buong paligid. sa gabi lang nagsasaya ang paligid. maliban sa akin. dahil nakatira ako sa ika 7 bundok sa kanlurang bahagi ng qatar. naks naman. at minsan naiitanong ko din, bakit kaya naman sa dinami daming lugar sa qatar, dito ako sa al gharafa napadpad. make sense? ewan. baka sinusubukan kung ganno ako katibay na malayo sa lungsod. in the 1st place ok na to malayo sa gastos hehe pero para namang sabik na sabik akong makakita ng tao waaaa.
ala dw pasok sa pinas, national heroes day ata. ala na naman pasok. tuwa na naman ang mga bata syempre pa bakasyones. bilis ng araw 31 na. BER na. waaaaa lapit na ang pasko. pag pumasok ang BER parang hinihila ang araw. make sense? syempre pa pag pasko ang pinakamasaya na araw sa akin sa buong taon, except now hindi ko kapiling ang mag-aama ko. pero lam ko magiging masaya din sila, lagi lang naman akong nasa tabi nila.
so far the work is ok. except na masyado nga lang malaki ang gap ng hours of work. 10-1pm then 8pm-12am. kaya ang laki ng patlang 7 hrs. i end up washing and ironing my clothes, cleaning my room, reading books at syempre tumanga to the max - the one i loved most. make sense? la lang feeling ko nawawala ako sa kawalan. uppss teka hindi pa ako nababaliw. un daw baliw hindi na alam ang mga sinasabi, wala ng sense. i think meron pa naman akong sense - kahit konti. palagay nyo?
another thing that makes me happy. syempre katapusan. at pag katapusan sweldo na naman. di gaya sa pinas na hintay mo ang 10 at 25, here 31 or 1 ang pinakaaasam asam mong araw. ang araw na matatanggap mo ang iyong pinagpawisan ng 1 buwan. make sense? syempre. walang tax, walang kaltas, netong neto mo ang sweldo mo. un lang ang maganda when ur working here sa yo na sa yo ang kita mo. 13.37 ang conversion ng 1 PHP sa 1 Qatari Riyal. pero kapag araw ng sahod, bumababa sya. minsan 13.01 lang. in the middle of the month naman pumapalo sya ng 14.00 dun masarap magpadala, mataas ang value. kaya ang isang tip wag kang sumabay magpadala pag araw ng sweldo, mababa ang value. 1000 QR ay mahigit 13K. ok na un kesa naman nasa pinas ka naghihintay ng promotion at pagtaas ng sahod kada hulyo.
working here in doha is not a planned one. di ako katulad ng iba na pinangarap mag work. pinlano, nag-apply at nilisan ang pinas. sabi nga dito, bakit ka pa umalis sa pinas, maganda ang work mo. hindi ko alam pero parang nauta na din ako if its the right term. nagsawa or gusto ko lang talagang umalis at hanapin ang kapalaran ko sa ibang bayan. nagsawa na rin siguro ako na pagkatapos ng 10, nakiraan lang ang sweldo. hintay na naman ng 25 saktong sakto lang ang kita, kinakapos pa. make sense? nagsawa na rin siguro ako sa buhay na kahit may gusto akong bilhin kelangan ko pang pag-ipunan o mag loan para ko makuha at mabili. at sinabi ko sa aking sarili tama na... kumilos ka na..
sabi nila during the 1st 3 months ok ka pa lang. ur enjoying the place, getting to know the culture, in short nalilibang ka pa sa mga nakikita mo. ang ika 4 na buwan daw ang homesick month. waaa. pumapasok na ako sa aking ika 4 na buwan. dun mo daw marerealize na aaahhhh malayo na talaga ako sa pinas. make sense? ewan....abangan sa susunod na kabanata.
Posted at Tuesday, September 01, 2009 by nursefam
Monday, August 31, 2009
enjoying arabic food
ohhh i have a chicken tabook now. its a lebanese food na parang shawarma but much tastier. hmmm i always love shawarma pero mas masarap to kesa dun sa mga natikman ko. most of the shawarmas na indian eh lasang curry in short lasang putok hehe. but this one yummy talaga. there is one leb resto in al rayyan where we bought this. kahit araw araw kakain ako kung ganito ang fud ko hehehe. last night i had a chance to cook ground beef with beans and green bell pepper. sorry naman pinaghalo halo ko lang and it taste good. kaya ko din pala magluto pag hinihingi ng pagkakataon hehehe. i dont have rice so i eat it with arabic bread. ni roll ko and voila yummy ..sarap syempre kaulam ang pepsi. kelangang bigyan na ako ng award ng pepsi sa patuloy kong pagtangkilik sa kanyang produkto nakanang mas lumala ata ang pagkahumaling ko sa softdrinks ngayon ah. well after naman isang litrong tubig ang naiinom ko kaya quits lang. ill try to cook some food again then kwento ko kung anong kinalabasan wish me luck !
Posted at Monday, August 31, 2009 by nursefam
Friday, August 28, 2009
happy birthday KRISTIN
today , august 28, 2009 is the 17th birthday of our dear tin-tin. hay ang bilis ng araw 17 na agad sya parang kelan lang talaga.

loveu tin. sana wag ka pasaway sa nanay at tatay. malayo kami ng kuya rp mo kaya ikaw na lang ang aasahan ng nanay at tatay jan sa atin. wag muna masyadong gumala ha. tama na muna ang pa cute. dont wory may pabday ang mom sa yo
Posted at Friday, August 28, 2009 by nursefam
Wednesday, August 26, 2009
refreshing my english grammar hehe waaaaaaaa panu pa ako mag aamerica nito, feeling ko bumobo ako sa english. yep pipol of the universe mas lalong grumabe ang aking english comprehension, pronunciation, grammar, word/paragraph composition, subject and predicate, singular verb at plural verb hehehehe. eh panu ba naman sa inaraw araw ng buhay ko sa lupaing ito puro mga henyo sa english ang mga kasama ko. hala aber sample-an ko nga ng PARDON ?... hindi naman nila maintindihan. minsan natatawa ako kase nakikipag-usap ako bigla na lang hahagalpak ng tawa ang famyla eh panu worst as in worst ang aking english grammar. teka mabuti ba kung may natitira pa na grammar. mukang wala na. I SPEAK, YOU SPEAK, WE SPEAK waaaaaa. I DONT KNOW U - ibig sabihin hindi ko alam sa iyo hahaha.
palestinian, iraqi at lebanese mainly ang kasama ko kaya feeling ko ako ang pinakamagaling mag english pero wala mas lumala ata.ala magagawa pag ginalingan mo naman hindi nila maiintindihan. kaloka...parepareho ang WHO, WHAT, WHERE nila puro WHY waaaa. WHY GO, WHY SPEAK, WHY NAME, waaaaaaaaaaaaa.
mula nga bukas eh makausap ng umaatikabong better english with matching british or australian accent para maloka lalo ang mundo nila. ang inaalala ko lang baka lalong hindi kami magkaintindihan . baka lalong mapatagal ang usapan eh baka di lang dumugo ang ilong ko. baka kelangan na akong i blood trans. hehehe.
nung nasa pinas pa sa office lang ako nag eenglish barok ng konti dahil mga Hapon un pero hindi naman tipong ganito na wala ng maiintindihan. sbi ko lagi kay Ghe ano daw? lagi ako may interpreter eh panu labong kausap kaloka. bka naman pag inulit ulit ko sabihn super bobo ako di ba?
pero whatever it is ang mahalaga nagkakaintindihan kami. alam ko ang sinasabi nila, nagkakaintindihan kung ano man ang nais ipabatid sa isa't isa. malay mo in few more months ako na ang magaling mag arabic. inshallah !
Posted at Wednesday, August 26, 2009 by nursefam
Sunday, August 23, 2009
day 2 -ramadan
tahimik na tahimik ang kapaligiran. in short nakakabuang. waaaa. ganito pala ang ramadan sa ibang bayan. hindi ko lang alam kung paano sa kabayanan. nasa bundok ako kaya siguro ganito ang nararamdaman ko. siguro naman sa kabayanan ay masaya, maingay, makulay. dumating na si dr from lebanon. hay ano na naman kayang kapalarang naghihintay sa akin hehe. alam mo naman masyado akong paborito nun - paboritong utusan.
parang hindi ramadan dito. madaming food, hmm teka may sopas, may sinigang na manok, may sisig, at ngayong gabi may spaghetti. hay parang baligtad ata kung kelan kelangang magfasting saka naman napakadami ng food. ayokong kumain. uminom lang ako ng mirinda in can at saka kumain ng cashew nuts. hay magpakasawa ba daw sa kasuy sorry naman. hindi ko alam pero parang gustong kumain na ayaw basta.
pagsapit ng 6:05pm pwede na silang kumain. pero mula 3am hindi pwede. kung ako kaya muslim kaya kung di kumain at di uminom ng 15 hrs? waaaa malamang na hindi. parang matutuyuan ako. parang pagsapit ng 6pm sangkaterbang kanin ang makakain at isang drum na tubig ang maiinom ko hahahha. hmmm kaya nga siguro hindi ako pinanganak na muslim obvious ba.
our good friend ahmad cook spaghetti in mushroom sauce. waaaa. dami ko nakain. hmm kayang kaya ko din namang lutuin un. kaso takam na takam na ako eat nahihiya lang ako dahil ala pa ngang 6pm. pagsapit ng 6pm hala sige kain na ako. nagutom bigla ako.
dr mentioned to me again some of my docs. hay hindi ko na alam gagawin ko. basta sabi ko maghintay na lang ....waaaa
Posted at Sunday, August 23, 2009 by nursefam
ramadan mubarak
today is the start of ramadan. pag nasa muslim country ka like qatar feel na feel mo na ipagdiwang ang holy month of ramadan. sa pinas hindi naman masyadong feel nararamdaman mopag eid na panu declared as holiday un. magulo ang oras ng aming clinic. bakit naman kase 10-1 pa di na lang 8p-12a. hay oobserbahan daw kung anong mangyayari. most of the establishment shortened ang working hours. wala daw masyadong tao sa umaga dahil sleeping ang mga pipol. sa gabi sila naglalabasan after 6pm. sabi ng mga kasama naming muslim, si hala at si ahmad, from 3am to 6pm walang inum ng tubig at kain. hay parang hindi ko kaya yun (wag ka na mangarap famyla hindi ka naman muslim ). tas refrain lahat sa mga aktibidades like pakikinig ng music, at pati ata sexual activity bawal. ang kanilang panahon ay inilalaan na lamang sa pagdadasal at pag-iisip ng mga makabuluhang bagay na pang spiritual.
umattend ako ng service kahapon. ala pa din sina pr michael next week pa din ang dating. ala na din si andrei ung organista. kaya mag-anak nina sis sherry, si sis monique at ung mga guests na german ang regular naming kasama sa service. nyway masaya ako dahil alam ko un naman matagal ko na pangarap.
sa loob ng one month iba ang takbo ng mundo namin. sana maganda at maayos. alam ko madaming patient. hay sige na nga makisama na din akong mag fasting. para naman mamayat lalo ako. pero in fairness ang preparation nila sa ramadan dito sa doha ay bonggacious. ang mga hotel ay nag ooffer ng mga banquet para sa ramadan meals hay sosi. tas mapapansin mo sa mga ads ng QTEL ( mobile company) may mga ads in tagalog. nakakatuwa ano. alam kase nila na madaming pinoy dito sa doha. kaya nakalagay sa karsada, pagpalain nawa tayo ni Allah.
nakakabored lang from 1pm-8pm ala ako kausap, ala ako magawa. buti na lang may mga books pa din dito c gracia mattapos ko ng basahin ito during this holy month. mainit pa rin mas yado sa labas ang hirap mag stay. sana winter na para malamig yey. siguro nov lamig na din dito doha.
kausap ko kanina ang 2 kong angels. busy sa panonood ng talentadong pinoy at midnite dj. kaya paputol putol ang usap namin. tanung lagi ni Bi kung kelan ko sila susunduin. sabi ko baka pagkatapos ng skul. ang tagal daw hahaha. inaayos ko na sabi ko sa kanila. cant wait to see them here. inshallah !ang saya saya syempre. kelangan munang maihanap ko ng work si edwin here pag meron na saka ko na lang iisipin ang susunod na mangyayari. buti na dito sama sama kaming apat. kakatuwa di ba? mag-iisip ka rin lang lubusin mo na.
bless me this holy month of ramadan Allah. madami pa akong dapat gawin para sa maraming tao.lagi kong sabi pagpalain nawa ako sa aking mga adhikain sa buhay. RAMADAN KAREEm !
Posted at Sunday, August 23, 2009 by nursefam
|
|
 |
 |
 |
 |
 |
 |
 |
 |
|
 |
|
 |