Banner Maker
BannerBreak.com - Banner Maker - Banners - MySpace Layouts



Sunday, October 25, 2009
bored again

easing boredom

sometimes the hardest thing to do is the right thing to do. hmmm yan ang status ko sa facebook wala lang feel ko lang. nagiging madrama na naman ako lately hindi ko alam kung bakit. maybe becoz ngayon ko nararamdaman na medyo matagal na nga ako dito sa lupain ng mga qatari (hmmm ang lagay palang un hindi ko feel dati hehe). isipin mo mag 6 months na pala ako. ang bilis ng araw. hayyy. hindi ko namamalayan ang panahon. dito ko lang napatunayan na  talagang time flies. as of today, 49.9 kgs ako waaaa. namayat na ako ng tuluyan hehe. nahiyangan
na nga ako ng buhay dito. sabi ng iba panget daw dahil baka akalain ng iba hirap na hirap ako sa buhay dito. sabi naman ng iba, makapaunta na nga ng doha bka jan din ako mamamayat. eh panu nga sa pinas ginawa ko ng lahat ng pwede kong gawin para ako ay pumayat. nanjan na tumakbo ako, umakyat ng bundok pero feeling ko lalo akong lumobo. ngayon super liit ko. ang mga dala kong pants halos hindi na maisuot panu nga super luwag. ung 27 na pants ko hindi ko na maisuot ng walang belt. ganung kapayat.\

ayoko namang isipin ng iba na nahihirapan ako dito. hindi po. talaga nga lang hiyang ang aking naturalesa sa qatar. mula noong dumating ako hindi pa ako inuubo o sinisipon man lang. hmmm bakit kaya. hiyang ba ako s AC? o talagang balat kalabaw lang ako. wala akong masyadong nararamdaman pain maliban sa manaka nakang pagsakit ng ulo (na dulot ng sama ng loob sa amo ko hehe). at syempre ung dysmenorrhea ko. pakiramdan ko din may UTI na naman ako. bihira
kase akong nakakainom ng tubig hehe. magagalit na si edwin sa akin nyan. puro pepsi na lang ang iniinom ko. alam kong bad pero pano ko maiiwasan. parang ang hirap.

after ages, nagkaron din ako ng ka room mate yey... si ate lowella. mabuti naman ng hindi na ako mabuang sa kalungkutan, na kahit paano may makausap naman ako dito sa aking munting tahanan. ng may makinig naman sa aking mga chika at sama ng loob. welcome lowella dear.

 

Posted at Sunday, October 25, 2009 by nursefam
share your thoughts  




Monday, October 19, 2009
hmmm

hmmm whatever

havent updated lately. medyo busy ang aking kagandahan sa kung ano anong bagay. nakalimutan ko na tuloy mag update. hmmm ano nga bang bago. wala namang bago. adik ako sa farmville hehehe. kaso kahit un hindi ko rin ma update. nalalanta ng lahat ang aking mga tanim dahil hindi ko ito naaani. pati mga hayop hehehe. pero in fairness aliw na aliw naman ako. ganun talaga pag nabobored siguro.

belated happy bday sa nanay ko. hayyy di ko sya nakausap . ewan ko ba naman kung bakit naka off ang cell ni tatay at ni tintin. di ko tuloy na greet man lang. anyway happy happy birthday nanay love you.

nadadagdagan na ang ating mga kalahi. ipagbunyi ang lahing kayumanggi,. nag start na si louella ung bago receptionist. ibig sbaihin madami ng lahi ni bonifacio sa klinika ni dr. hahaha.

miss my erika and edward. love u !

 

 

Posted at Monday, October 19, 2009 by nursefam
share your thoughts  




Wednesday, October 07, 2009
period

the dilemma of a period

its been 10 years.since my erika was born i havent experience menstrual pain, and these past few months bumalik na naman ang pinakasusumpa kong sakit. feb 10, 1985. i was 12 when i gt these "kasumpa sumpang sakit" hehe. it started as simple dysmenorrhea pero lumala ng lumala. i still remember those days na nasa LC ako (HS stude), i went out of the class room at nasa cr at nagkakandasuka. for 15 years un ang problema ko. sabi ng tatay kaya nya ako pina nurse para ma solve ko ang problema ko. wala din. 3-4 days b4 the mens masakit na sya pero di pa syadong ramdam, may pimple ako usually super laki either sa kanan o kaliwang pisngi. masakit ang balakang ko. masakit ang ulo ko. naaalala ko nakahanda na agad ang hot water bag ko. during college days sbrang sinumpa ko ang mens ko. di talaga ako makakilos. parang natatakot na ako. namumutla sa sobrang pain, suka ako ng suka. walang explanation na maibigay ang nakakataaas. pina utz ako, wala din, pinapag herbal meds ako wala din. nung nsa nec ako, kapag inabot ako ng mens sa planta, sure ako ang pasyente. isang saksak lang ng nubain solve na. laging papuntang cdh ang sasakyan namin para saksakan ako either buscopan,
nubain and worst demerol. lahat ng tao natataranta kapag meron ako. sabi nga ng nanay kapag madaling araw ako nagkaroon gising lahat ng tao. natakot kami parepareho noon dahil sa sobra ngang abnormal ng mens ko sabi namin baka hindi ako magkaanak.

during my wedding day hindi pa din ako pinatawad ng sakit ko.before the ceremony uminom muna ako ng ponstan at baka kung kelan ceremony na saka ako magkandapilipit. nakisama naman. after the wedding tuloy ako sa room at namimilipit at nagkakandasuka sa sakit. ganun sya kalupit. isa pang inabala nito ay ang mga boss ko sa chung fu. hindi nila alam parepareho ang gagawin.
walang choice kundi itakbo nila ako sa naic para masaksakan ng nubain hayyyyy. sabi nila pagnag-asawa ka daw mawawala na. natatandaan ko inuwi ako ni edwin sa min during the 1st month na magkaron ako at mag-asawa na kami. hindi din nya alam ang gagawin sa kin. lahat ng klaseng gamot nilaklak ko na.. ponstan sf, midol, alaxan, feldene. buscopan ..wala lahat silang nagawa. until nga manganak ako. dun lang ako pinatahimik. for 10 years.

at eto nagbabalik na naman. super sakit na naman. hayyy kala ko naman natahimik na ako. bumalik pa din ang pain. hindi ko rin alam kung ano gawin ko. di naman kaya ng panadol. bumili ako ng alaxan sa kabayan baka sakaling maremedyuhan.. hay somebody helpppppp.

sabi nila mag exercise. sabi nila low salt diet, sabi nila wag masyadong stress. eh lahat naman ginawa ko na wala pa ding kwenta. at ngayon panibagong pag-iisip na naman kung anong gagawin ko hayyyyy . just like old days ang drama ko ngayon. laging afraid dahil baka pagsaktan na naman. last month i had to go sick leave for half day kase nga the pain was so intense. binigyan ako ni tatay ng advil pero la epek. hayyyy kelangan ko na naman ng injection. kalokaaaaaaaaaaa.

Posted at Wednesday, October 07, 2009 by nursefam
share your thoughts  




Monday, October 05, 2009
rp

happy birthday rp !

its october 6 and its rp's 29th birthday today waaaaaaaaaaaaa. ang tanda na ng bunso kong kapatid hehehe. isipin mo nga naman un 29 na agad sya parang kelan lang eh uhugin pa. sabagay uhugin pa din nman sya peace. hayyyy kapag naaalala ko si pepe ng bata pa naloloka ako. medyo malaki ang gap namin 9 yrs . hmmm tanda ko pa noon isinama ako ng tatay sa lyceum hospital at nakita ko sya. ang haba ng patilya super tas ang puti puti. tuwang tuwa akopano nga may bby brother na ako.

hindi kami nag-aaway ni pepe katulad ng ibang magkapatid ewan ko dhil nga siguro malayo agwat namin. kakatuwa sya pero one of the memories na di ko malilimutan is nung binibihisanko sya ng duster at make up ang buong face. galit na galit ang nanay hehehe. pero ako tuwang tuwa naman. medyo pilyo. mahilig umirit nung bata pa kaya ayun nadamage ang vocal cords hehe. nakagat ng aso sa pagbbike nung ns medex pa kami. mmmm ano pa. nagupit ng bangs nya waaaa galit na galit ang nanay.

nung nag elementary medyo kinakitaan na ng pagkapilyo hahaha. sa skul laging natatawagan ang nanay,. pero in fairness nakatapos naman ng highskul. hay naku pepe matanda ka na. all the best.

i love you bro ! happy bday !

Posted at Monday, October 05, 2009 by nursefam
share your thoughts  




Wednesday, September 30, 2009
countdown

86 more days to go

waaaa bukas october na. ibig sabihin 86 days na lang pasko na naman. ang bilis ng araw. teka asan ba ako noong isang pasko. hmmm naka duty ata ako ah. ang layo layo ko sa kanila this xmas pero lam ko magiging masaya mga bulilit ko kahit wala ako. last xmas natatandaan ko nag exchange gift kami nina eds, ung kada sweldo eh 5 piso. nakanang ang hirap umisip ng ibibigay. isipin mo naman 5 pesos every payday. last xmas party ng admin i got 2 books from mr. hashimoto, valkyries and 5th mountain. we had lots of fun. un na pala sa xmas ko with them. and of course nagxmas party ang mga lola mo hehehe. it was a fun.hay kkmiss ano.ganun na pala kabilis dumaan ng araw wala kang kamalay malay.

madaming family gatherings pag pumasok na ang BER. sisimulan yan ng bday ni biboy at ni mama ng sept 18. tas bday ni pepe ng oct 6 tas si nanay ng 18. si papa naman ng dec 18, anniversary nmin (11th yr) sa dec 19. dec 23, bday ni ikki. xmas, tas new year. hala puro kainan. ganitong panahon ako tumataba ng todo2 eh sa kakakain sobra.

a lot of them tell me here na naku ate bumili ka na ng jacket dahil super lamig dito sa doha kapag nov-feb. waaaa ala pa naman akong nabitbit na jacket. nagbabago na nga ang simoy ng hangin dito sa lupain ng mga qatari. duh maalinsangan pa din di na naman katulad ng dati na halos di mo kayang mag stay sa labas. maganda daw pag winter dito. aside sa malamig talaga. makikita mo ang magagandang flowers sa mga round about. sa palaigid pa lang ng clinic nagsisimula ng magbulaklakan ang mga halaman. di daw talaga mag a AC kapag lapit na ng xmas dahil heater na ang gagamitin sa sobrang kalamigan. hay malamigin at katalin
pa naman ako panu na. eh eto pa nga lang 18 deg na temp ng AC ko giniginaw na ako eh panu pa kaya kung mag 10 na waaaaaa.

iniisip ko din san kaya ako sa xmas. malamang kina che ako punta. kami kami na lang hehehe. hindi mo rin daw feel ang xmas dahil may pasok din. well gaya nga ng nasabi ko sanay na din naman ako na di sila kapiling pag pasko. ang mahalaga ligtas sila, malulusog, nag-aaral ng mabuti at syempre love ako.

86 more days. maya maya lang 1 day to go na lang. dont be sad fam.

inside notes :
- mag rring bearer si edward sa kasal ni tintin sa manila. ninang nya si tin sa binyag.
  congrats tin.
- si bestfriend ko na daw ang new pres ng nec. wow niloloko nila ako baka pabalikin daw   ako at maging sv sabi ko anung sv am ako pagbalik no wahahhaha. gudluck pres hayashi   till we meet again. welcome mr kikuchi.
- daming nasalanta ng bagyo kakalungkot superrrrr.
- thanksgiving sa church sa friday. excited na ako.
- may bagong nurse si allen at bagong dr . welcome sa inyo.
- busy ako sam farm ko sa farmville ko. hay adik na ako sa kakatanim wahahahahah.
- sabi ko k edward bkit ala sya pasok, basa daw mga books hehehe
- bday ni ronie sept 30 - happy bday ronie all the best. matanda ka na. last year nga pala
  kumain tayo ng pizza ano with jr and susan next year ulit pag uwi ko kain ulit us.
- sale sa bench, 3- 100 tshirt,hehehe
- baba daw ng palitan now 12.75 ata / qr
- dinner ko now eh kobus saka fried chicken - rice
- tinatamad ako maglaba, ala sampayan eh
- sya sya mahaba na....

Posted at Wednesday, September 30, 2009 by nursefam
share your thoughts  




Monday, September 28, 2009
ondoy

hay naku naman ondoy

eid holiday is over. tapos na ang saglit na bakasyon. tapos na ang maliligayang araw ng pamamasyal at paggala. balik work na naman. ang bilis ng isang linggo. parang hinihipan ang araw sa doha. medyo malamig na ( ng konti) mga 3 guhit hehehe. `kung ano namang kinainit  dito sya naman bagyo sa pinas. nalungkot ako ng makita ko ang baha waaaa. naalala ko bigla nung bagyong milenyo. hindi ako mapalagay buong araw. nanuod ako ng gma news sa net sus puro baha baha at walang katapusang pagbaha di lamang sa manila pero kasama na ang laguna.
hay nataranta ako ng mabasa ko na madaming nilikas sa laguna. kalokaaaaa. ang hirap paki ramdaman. di ko malaman kung ano iisipin ko. pero sabagay hindi naman ako dapat mag-alala. buti na lang sabado walang pasok ang mga bata.nakausap ko mga bata. sabi ko kung kumusta sila. mabuti naman daw. sabi ko nakinig ko sa news lubog na sa baha ang laguna. sabi ni ikki hay naku mommy wag kang maniwala chismis lang un. tawa ako bigla.

palala na ng palala ang pagbaha sa pinas. sa calamba napansin namin na lumala din ang pagbaha nitong mga nakaraang taon na hindi naman dati nangyayari. well madaming dahilan. una na jan ang pagkasira ng bundok. madaming mga subd ang tinatayo, nakakalbo ang mataas na lugar, so ayun bababa ang tubig sa kabayanan.

laging nababanggit sa cnn at bbc world news ang pinas dahil nga sa bagyo. pati na ung mga pagtampisaw ng pinoy sa baha. ung kasama naming lebanese natatawa at di makapaniwala sa baha. kung hindi ba daw nalaman agad na babagyo at hindi nakapaghanda. sabi ko hindi naman pinaghahandaan sa pinas ang pagbagyo. pag anjan na lang saka nagsisilikas, saka gumagawa ng  way.oo nga hindi ba aaanticipate na dadating ang bagyo? sabagay dati nga hindi na pinapasok ang
mga bata dahil may signal number 3 daw na bagyo. nakanang super liwanag aman ng araw. tas kung kelan pumasok na saka naman bumagyo hay.. kung nababalaan lang sana eh di napaghandaan ng mga tao ang paglikas. ung iba pumasok pa sa office. hmmmm baka naman hindi agad nakita sa satellite na may padating na storm. kayo naman oo.

hay naku oo na sige na ondoy wag ka munang umalis. samantalahin mo. ngayon ang panahon para maipakita ng mga taong handang tumulong ang kanilang buong pusong pagtulong. eleksyon na. isa itong magandang timing. o di ba? tama ako ng iniisip...

sige na nga uuwi ako sa Mayo para bumoto naks naman naman. aba oo naman sayang ang boto ko. o sya sya na go go go my dearest politicians. today is the time.kelangang kelangan ng madlang pipol ang inyong tulong. damit, pagkain, bahay, pera, kotse hehehe..

 

Posted at Monday, September 28, 2009 by nursefam
share your thoughts  




Wednesday, September 23, 2009
miss

missing dad, ikki and bee

hmmm close to 5 months na ang aking kagandahan sa lupain ng mga qatari. ang bilis ng araw. parang kelan lang. at habang dumadaan ang araw, lalo kong namimiss ang mag-aama ko. hmmm pinipigilan ng utak ko. ayoko silang isipin. pero minsan hindi talaga maiiwasan na hindi sumagi sa isip ko. natural un. sabi nga nila ang homesick daw ang pinakamatinding kalaban ng mga ofw. ikinundisyon ko ang utak ko na no no no no pero syempre hindi naman maaalis talaga kahit anong gawin. hayyy. here are their latest pix. lalaki na ng mga bulilit ko.

 

Posted at Wednesday, September 23, 2009 by nursefam
share your thoughts  




Monday, September 21, 2009
eid

eid mubarak !

its a long hoilday here. tapos na ang ramadan. at syempre pa bakasyon grande ang aming kagandahan. well i just stay home. san naman kaya ako makakagala as if namang nasa tapat ko lang ang villagio at ct center. well, bee had celebrated his 7th bday. ang saya daw. up to now wait ko pa din ang mga pics and videos nila. so excited to see them. madaming kwento si bee for sure. he started also in kumon kaya medyo todo sya sa mga kwento ng kung ano ano.

its gonna be a long week for me. just clean my room, wash some stuffs at kung ano ano pa na pwede kong pagkalibangan. hay somebody help me here to ease my boredom hehehe. thanks to the tv at kahit paano may kasama ako this eid.

have a happy eid everyone !

 

Posted at Monday, September 21, 2009 by nursefam
share your thoughts  




Sunday, September 13, 2009
iftar

iftar at yellow cab

yesterday got the chance to eat at yellow cab for iftar. wala pang 6pm kaya walang masyadong kumakain. nag start kase sila ng kain may oras kada araw. at nag start silang mag serve after 6 na ata. well gutom na gutom ang aking kagandahan. hahahaha. feeling ko naman nag ffasting din ako. nag order ako ng ny meatlovers pizza, a big pepsi and a hot chicken wings. wow yummy. i had fun eating the pizza.

sa pinas mahilig na kaming kumain ng pizza, name it trip namin talaga. b4 i came here to doha sa yellow cab divisoria kami kumain ni edwin. hayyy nakakamiss din ang pagkain namin ng 2 bata sa pizza hut at greenwhich. well tama na nga drama.

edward birthday is coming yeyyy im so excited  . love u so much bee..

 

Posted at Sunday, September 13, 2009 by nursefam
share your thoughts  




Friday, September 11, 2009
magic of thinking


the magic of thinking

whenever there is thinking, big ideas follows,mind becomes enlightened, knowledge grows and people discover new ways of unlocking their potential. yan ang isa sa mga panuntunan ko sa buhay.minsan kailangan mong mag-isip hindi lamang para malaman mo kung anong dapat gawin kundi para may matutunan ka sa iyong pag-iisip. gulo no. ah basta basta ang alam ko dumadating sa buhay na minsan kakailanganin mong mag-isip hindi lang isa, dalawa o tatlong beses kundi
isandaang ulit kung tama nga ba ang kinahinatnan ng iyong pag-iisip. its ur decision. its ur choice. whatever ur decision ikaw lang ang pwedeng sisihin in the end wala ng iba.

minsan hindi mo masisi when someone not used her or his brain in solving, making decisions and whatever she or he wanted to achieve. minsan mas madali pang mag-isip ng biglaan kesa mas matagal na pag-isipan. when u say "pag-iisipan ko" mas lalong wala kang maisip. minsan mas gusto ko pang ngayon na. now na. magkamali ka man ng decison quits na hindi mo naman matagal pinag-isipan. hindi ka nagbigay ng extra effort ika nga sa kakaisip. but that is not the best thing to do told u. every move, every decision, every thinking needs great effort.
effort that would enlightened ur mind and creating ursellf.

Posted at Friday, September 11, 2009 by nursefam
share your thoughts  




Next Page



nursefam
February 11th
Female
Qatar


Friendster Background Music


   





<< December 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05
06 07 08 09 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31






all <





Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed