|
hay naku naman ondoy eid holiday is over. tapos na ang saglit na bakasyon. tapos na ang maliligayang araw ng pamamasyal at paggala. balik work na naman. ang bilis ng isang linggo. parang hinihipan ang araw sa doha. medyo malamig na ( ng konti) mga 3 guhit hehehe. `kung ano namang kinainit dito sya naman bagyo sa pinas. nalungkot ako ng makita ko ang baha waaaa. naalala ko bigla nung bagyong milenyo. hindi ako mapalagay buong araw. nanuod ako ng gma news sa net sus puro baha baha at walang katapusang pagbaha di lamang sa manila pero kasama na ang laguna. palala na ng palala ang pagbaha sa pinas. sa calamba napansin namin na lumala din ang pagbaha nitong mga nakaraang taon na hindi naman dati nangyayari. well madaming dahilan. una na jan ang pagkasira ng bundok. madaming mga subd ang tinatayo, nakakalbo ang mataas na lugar, so ayun bababa ang tubig sa kabayanan. laging nababanggit sa cnn at bbc world news ang pinas dahil nga sa bagyo. pati na ung mga pagtampisaw ng pinoy sa baha. ung kasama naming lebanese natatawa at di makapaniwala sa baha. kung hindi ba daw nalaman agad na babagyo at hindi nakapaghanda. sabi ko hindi naman pinaghahandaan sa pinas ang pagbagyo. pag anjan na lang saka nagsisilikas, saka gumagawa ng way.oo nga hindi ba aaanticipate na dadating ang bagyo? sabagay dati nga hindi na pinapasok ang hay naku oo na sige na ondoy wag ka munang umalis. samantalahin mo. ngayon ang panahon para maipakita ng mga taong handang tumulong ang kanilang buong pusong pagtulong. eleksyon na. isa itong magandang timing. o di ba? tama ako ng iniisip... sige na nga uuwi ako sa Mayo para bumoto naks naman naman. aba oo naman sayang ang boto ko. o sya sya na go go go my dearest politicians. today is the time.kelangang kelangan ng madlang pipol ang inyong tulong. damit, pagkain, bahay, pera, kotse hehehe..
|
| Leave a Comment: |