|
86 more days to go waaaa bukas october na. ibig sabihin 86 days na lang pasko na naman. ang bilis ng araw. teka asan ba ako noong isang pasko. hmmm naka duty ata ako ah. ang layo layo ko sa kanila this xmas pero lam ko magiging masaya mga bulilit ko kahit wala ako. last xmas natatandaan ko nag exchange gift kami nina eds, ung kada sweldo eh 5 piso. nakanang ang hirap umisip ng ibibigay. isipin mo naman 5 pesos every payday. last xmas party ng admin i got 2 books from mr. hashimoto, valkyries and 5th mountain. we had lots of fun. un na pala sa xmas ko with them. and of course nagxmas party ang mga lola mo hehehe. it was a fun.hay kkmiss ano.ganun na pala kabilis dumaan ng araw wala kang kamalay malay. madaming family gatherings pag pumasok na ang BER. sisimulan yan ng bday ni biboy at ni mama ng sept 18. tas bday ni pepe ng oct 6 tas si nanay ng 18. si papa naman ng dec 18, anniversary nmin (11th yr) sa dec 19. dec 23, bday ni ikki. xmas, tas new year. hala puro kainan. ganitong panahon ako tumataba ng todo2 eh sa kakakain sobra. a lot of them tell me here na naku ate bumili ka na ng jacket dahil super lamig dito sa doha kapag nov-feb. waaaa ala pa naman akong nabitbit na jacket. nagbabago na nga ang simoy ng hangin dito sa lupain ng mga qatari. duh maalinsangan pa din di na naman katulad ng dati na halos di mo kayang mag stay sa labas. maganda daw pag winter dito. aside sa malamig talaga. makikita mo ang magagandang flowers sa mga round about. sa palaigid pa lang ng clinic nagsisimula ng magbulaklakan ang mga halaman. di daw talaga mag a AC kapag lapit na ng xmas dahil heater na ang gagamitin sa sobrang kalamigan. hay malamigin at katalin iniisip ko din san kaya ako sa xmas. malamang kina che ako punta. kami kami na lang hehehe. hindi mo rin daw feel ang xmas dahil may pasok din. well gaya nga ng nasabi ko sanay na din naman ako na di sila kapiling pag pasko. ang mahalaga ligtas sila, malulusog, nag-aaral ng mabuti at syempre love ako. 86 more days. maya maya lang 1 day to go na lang. dont be sad fam. inside notes : |
| Leave a Comment: |