Entry: period Wednesday, October 07, 2009



the dilemma of a period

its been 10 years.since my erika was born i havent experience menstrual pain, and these past few months bumalik na naman ang pinakasusumpa kong sakit. feb 10, 1985. i was 12 when i gt these "kasumpa sumpang sakit" hehe. it started as simple dysmenorrhea pero lumala ng lumala. i still remember those days na nasa LC ako (HS stude), i went out of the class room at nasa cr at nagkakandasuka. for 15 years un ang problema ko. sabi ng tatay kaya nya ako pina nurse para ma solve ko ang problema ko. wala din. 3-4 days b4 the mens masakit na sya pero di pa syadong ramdam, may pimple ako usually super laki either sa kanan o kaliwang pisngi. masakit ang balakang ko. masakit ang ulo ko. naaalala ko nakahanda na agad ang hot water bag ko. during college days sbrang sinumpa ko ang mens ko. di talaga ako makakilos. parang natatakot na ako. namumutla sa sobrang pain, suka ako ng suka. walang explanation na maibigay ang nakakataaas. pina utz ako, wala din, pinapag herbal meds ako wala din. nung nsa nec ako, kapag inabot ako ng mens sa planta, sure ako ang pasyente. isang saksak lang ng nubain solve na. laging papuntang cdh ang sasakyan namin para saksakan ako either buscopan,
nubain and worst demerol. lahat ng tao natataranta kapag meron ako. sabi nga ng nanay kapag madaling araw ako nagkaroon gising lahat ng tao. natakot kami parepareho noon dahil sa sobra ngang abnormal ng mens ko sabi namin baka hindi ako magkaanak.

during my wedding day hindi pa din ako pinatawad ng sakit ko.before the ceremony uminom muna ako ng ponstan at baka kung kelan ceremony na saka ako magkandapilipit. nakisama naman. after the wedding tuloy ako sa room at namimilipit at nagkakandasuka sa sakit. ganun sya kalupit. isa pang inabala nito ay ang mga boss ko sa chung fu. hindi nila alam parepareho ang gagawin.
walang choice kundi itakbo nila ako sa naic para masaksakan ng nubain hayyyyy. sabi nila pagnag-asawa ka daw mawawala na. natatandaan ko inuwi ako ni edwin sa min during the 1st month na magkaron ako at mag-asawa na kami. hindi din nya alam ang gagawin sa kin. lahat ng klaseng gamot nilaklak ko na.. ponstan sf, midol, alaxan, feldene. buscopan ..wala lahat silang nagawa. until nga manganak ako. dun lang ako pinatahimik. for 10 years.

at eto nagbabalik na naman. super sakit na naman. hayyy kala ko naman natahimik na ako. bumalik pa din ang pain. hindi ko rin alam kung ano gawin ko. di naman kaya ng panadol. bumili ako ng alaxan sa kabayan baka sakaling maremedyuhan.. hay somebody helpppppp.

sabi nila mag exercise. sabi nila low salt diet, sabi nila wag masyadong stress. eh lahat naman ginawa ko na wala pa ding kwenta. at ngayon panibagong pag-iisip na naman kung anong gagawin ko hayyyyy . just like old days ang drama ko ngayon. laging afraid dahil baka pagsaktan na naman. last month i had to go sick leave for half day kase nga the pain was so intense. binigyan ako ni tatay ng advil pero la epek. hayyyy kelangan ko na naman ng injection. kalokaaaaaaaaaaa.

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments